barefoot

jueves, noviembre 05, 2009

October 27, 2009



I got my tattoo exactly two years ago today. On October 27, 2007, I went to a friendly neighborhood tattoo shop to have myself marked. There was really nothing special about the date; I just wanted to have a tattoo to mark my passing the bar. I had wanted to have myself inked immediately after the results were released, but it was delayed for several months because a lot of things were happening to me at that time, which involved moving from Marikina to Manila and back to Marikina, moving from one job to another, and of course, several rounds of celebrations many times over, among others.

And so it was only in October that things settled down and slowed down to their normal pace. But I had already decided on getting a tattoo even while I was reviewing for the bar, and I had decided on the final design the month that the results were released.

My tattoo spells the word “MANAIG,” in Baybayin characters. “Manaig” is Filipino for “prevail.” It is both a tribute to my past and a battlecry for my future. I had it spelled in Baybayin because it looks smashing that way.

Looking back, I had to prevail over a lot of things to get from where I was when I was as a poor boy to where I was when I became a lawyer. I had to prevail over greater material poverty than my friends, who are mostly better-off, could imagine. I had to prevail over prejudice and my predetermined destiny as a poor boy. I had to prevail over my own inferiorities, insecurities, and inadequacies.

Looking forward, I knew at that time that my life as a lawyer will require me to prevail over greater things than I know I am capable of, the least of which involves literally prevailing over my opponents in the cases that I will be handling. I will have to prevail over the challenges of the times in order to be relevant. Finding relevance is the only way that I could justify myself as a lawyer. If I do not strive to become relevant, then I might as well not have become a lawyer. I might as well not have studied at UP.

It gets cheesy. But that’s it, my life entails prevailing in the name of the things that I believe in and the things that I am holding on to. I had to defy expectations to get here. I will continue refusing to be defined by my limitations. In that sense, my tattoo is a marker of my personal history as well as a design of my general outlook.

Bow.
jong lardizabal 2:22 PM | 0 comments |

jueves, septiembre 25, 2008

Your EQ is 147




Your EQ is 147



You are remarkable when it comes to relating with others. Only the biggest losers get under your skin.



You are warm and open. Even when life gets you down, you're unafraid of the world and its challenges.

You are comfortable with who you are. And you accept your weaknesses - as well as the weaknesses of others.



While you are quite stable, you don't respond perfectly to every bad situation that comes up.

But you have enough emotional intelligence to know when you need a course correction.

What's Your EQ (Emotional Intelligence Quotient)?
jong lardizabal 5:28 PM | 0 comments |

jueves, agosto 28, 2008

isasama ko ang girlfriend ko.



isasama ko kahit sinong may gusto.




kahit may kasama pang aso.





basta't mayro'n siyang baong sariling buto.



magdadala ako ng pagkain.
burger fries tapsilog at siopao.
jong lardizabal 7:14 AM | 0 comments |

sábado, agosto 16, 2008

i'm moving

oh yes.

jong lardizabal 2:07 PM | 0 comments |

sablay

may mga tao at pangyayari na wala lang talaga sa hulog. ang araw ko kahapon ay sablay na sablay. putangina.
jong lardizabal 1:54 PM | 0 comments |

martes, julio 15, 2008

masdan mo'ng aking mata, 'di mo ba nakikita...



ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na...




gusto mo baaaaaaang...SUMAMA!
jong lardizabal 12:33 PM | 0 comments |

viernes, julio 11, 2008

omelette du fromage!

nung inuumpisahan ko pa lang tong blog na to, ang gagamitin ko sanang pamagat ay "omelette du fromage, dahil sa episode na ito:

jong lardizabal 1:11 PM | 0 comments |

jueves, julio 10, 2008

sa ngayon

medyo makikigaya lang muna ako sa ibang bloggers na kinukwento kung anong kasalukuyang binabasa at pinapakinggan nila. eto sa kin:


Conway W. Henderson. International Relations.

textbook ko noong nasa polsci pa. hindi ko masyadong pinansin noon, ang gusto ko lang naman ay pumasa dun sa subject. pero ngayon, binalikan ko ito at binabasa ng masinsinan. gusto ko sanang mag-aral ng international relations (as opposed to international law) bilang further studies. pero wala namang nago-offer ng distance education sa course na ito. atsaka wala akong pera. sa ngayon, ito muna.


24 (TV series)

matagal na yung five-season dvd sa bahay. hindi ko pinapansin. tapos noong december 2006, wala pa akong trabaho at walang magawa, naisipan kong panoorin yung season 1. nagustuhan ko. sobrang astig. pero masyadong mabigat dalhin, laluna yung drama. grabe ang patayan, trayduran, putukan, sabugan, lokohan. natakot akong umpisahan ang season 2, baka hindi ko kayanin. kaya hindi ko ulit pinansin.

sobrang nabigatan ako sa season 1, hindi ko inumpisahan yung season 2 hanggang pagkalipas ng isang taon at apat na buwan. hindi naman pala siya kasimbigat ng season 1. pero nandoon pa rin yung elements na nagustuhan ko. tuloy-tuloy na hanggang matapos ang limang season. may nabili akong season 6 sa friendly neighborhood tindero, pero hindi gumagana. sa ngayon, antay muna.

chuck (tv series)

ang kagandahan ng chuck ay nasa kababawan nito. magaan ang trato nito sa mga bagay-bagay. magaan ang action, magaan ang drama, magaan ang comedy. kaya madaling dalhin, swabe lang.

criminal minds season 3

sobrang adik ako sa csi, lahat ng csi (vegas, miami, new york). noong wala pang binebentang bagong season, sinubukan ko ang criminal minds season 1 at 2. aba'y astig din pala. parang ganoon din ang tema, iba lang ang approach. kung ang csi ay micro, ang criminal minds ay macro. at mas malalim ang pinaghuhugutan nila. sa umpisa't katapusan ng bawat episode ay nagku-quote sila ng kung sinu-sinong pilosopo at manunulat.

gran matador brandy

noong nauso ang generoso, nakalimutan ko ang granma. pero ngayon, binabalikan namin ito ng mga pinsan ko. medyo may weird nga lang na epekto sa akin ang granma. paggising ko sa umaga, alertong-alerto ako, yung parang kinakabahan. akala ko nga mataas ang presyon ko. pero nagpa-BP test ako sa pinsan ko, sobrang normal naman daw ng presyon ko (180 over somehing, basta kung ano yung normal yun ako). siguro para lang akong uminom ng kape.

generoso

ang ayaw ko sa generoso, mabangis ito. maski paggising ko sa umaga ramdam ko pa rin ang bangis (yung spirito ng alak). pero ngayon nakaisip na kami ng paraan para alisin ito. pag ang chaser ay iced tea (yung powder), huwag timplahin ng hiwalay yung juice. ihalo ito dun sa alak mismo. wag nang lagyan ng tubig o kahit ano, yun na yun. pero ingat lang sa pagtimpla, pag nasobrahan masyadong matamis. ayun. pag nakuha mo ng ayos yung timpla, nababawasan ang tapang nito, at kayang-kaya mo nang dalhin.

maxim (philippines)

nakabili ako ng back issues na 3 for 100. hindi ako sumusubaybay sa mga ganito kasi wala naman masyadong substance yung mga laman nito. atsaka marami namang mahihiraman. pag makabasa ako ng isang edition kada anim na buwan ay para ko na ring nabasa yung iba.

sa maxim philippines, mapapansin ang attempt ng staff na ihiwalay ang publikasyon nila sa ibang bastos na magazine na nagiging jologs ang dating. may attempt silang magkaroon ng class. ang problema nga lang, jologs talaga ang pagiging bastos ng mga middle class na lalaking pilipino, na siyang target audience ng magazine. yung pang-kalye. kung sosobra sila sa "class" ay mga mayayaman lang ang makakaintindi sa kanila, at kaunti lang naman ang mayaman sa pilipinas. kaya't kung anong class lang ang kakayaning ilagay sa isang bastos na magazine ay siyang nasa maxim.

john updike. the coup.

matagal ko nang inumpisahan ito pero hindi ko magawang tapusin. kasi mahirap basahin. maliit ang print at anghahaba ng paragraphs ni john updike dito. hindi tulad sa rabbit, run na maiksi lang ang mga talata at ang agos ng text ay dynamic. dito sa the coup, seryoso ang kuwento dahil tungkol sa gobyerno, pulitika, at kapangyarihan. kailangang mag-isip para maintindihan. e pagdating ko sa bahay pagod na ako at wala nang lakas na magbasa ng imprentang kulang na kulang ang white space at wala na ring lakas na mag-isip ng kwentong malalim ang paksa. sa ngayon, inuunti-unti ko lang hanggang matapos.

mga nakapila pa. at hindi ko magawang basahin dahil walang oras.
butch dalisay. soledad's sister. bagong labas lang at kakabili ko lang. hindi ko pa nababasa sa dami ng ginagawa.
clive barker. weaveworld.
neil gaiman. smoke and mirrors.
neil gaiman. sandman (pasintabi sa mga fans ni gaiman. at sa kanya na rin. hindi ko naman sinadya na makakuha ako ng kopya ng cd na naglalaman ng kumpletong scanned copies ng buong series. maniwala kayo. patawad talaga. pero tutal nasa akin na, e babasahin ko na rin)
kilroy was here. libro, isang koleksyon ng military humor. sabi ng kapatid ko pangit daw. ewan ko lang, di ko pa nababasa.
roadtrips. headtrips na koleksyon ng mga kuwento tungkol sa roadtrip. nakalimutan ko ang pamagat.
ernesto mestre. the lazarus rumba.
barnett and bedau. current issues and enduring questions. matagal ko nang nabili to, mahigit isang taon na, pero parating nasasapawan ng ibang libro.

mga sounds na kelan ko lang nabili.

radioactive sago project. Tangina Mo Andaming Nagugutom Sa Mundo Fashionista Ka Parin (TIMANSMFKP)

ang tunog ng radioactive ay may jazz, may poetry, at kung anu-anong ingay. sa album na ito, nabawasan ang jazz at poetry, at nadagdagan ng kung anu-anong ingay. pero kung tagasunod ka nila, ang kung anu-anong ingay ay integral naman talagang bahagi ng tunog nila. maingay nga lang. at syempre, tulad ng mga naunang album nila, hindi mo kelangang hanapin ang sense dahil darating ito sa yo. kung naintindihan mo yung kanta at nagets mo ang sense, yun na yun. pero kung hindi mo magets ang sense, wag mo nang hanapin dahil ibig sabihin, wala lang talagang sense yung kanta.


pedicab. tugish takish.

ayos naman ang mga kanta nila, nasa tunog ang kagandahan at wala sa lyrics. maski yung mga salita ay pinili hindi dahil sa ibig sabihin ng mga ito, kundi dahil sa bigkas at tunog (tulad halimbawa ng "aysus...ayyysus..." parang joyride ang tunog nila, masarap sakyan at hindi mo kelangang isipin kung saan papunta.

urbandub. under southern lights.

mula pa noong unang album, sobrang dabest na ang urbandub at nasa top five sila ng pinakagusto kong tunog. wala pa ako noong mga unang album nila, yung may come ("coz i like the way you feel so right"). pero meron ako noong mga sumunod, yung tatlong latest.

dito sa under southern lights, itinuloy nila yung progression na inumpisahan nila sa embrace. bumigat ang timpla at dinagdagan ng angas. inililinya nga sila ng ibang tao sa emo, pero tingin ko hindi sila emo. dahil ang emo ay punk at walang ginawa kundi mag-iiyak. hindi naman ganun ang urbandub. pero hindi naman talaga importante kung ano ang tawag sa tunog nila.

sa album na ito, itinodo pa nila ang drama at poetry. "can you explain to me what has become of us?"


the dawn. tulad ng dati.

isa pa ang the dawn sa itinuturing kong all-time-best. muli nila itong pinatunayan sa "tulad ng dati." nandito yung ibang classic na kanta nila dahil ang album na ito ay soundtrack ng "tulad ng dati" the movie, na piksyonal na kwentong halaw sa talambuhay ng banda. at syempre panigurado rin yung mga classic na kanta, para siguradong bebenta ang album.

peter tosh. the essential years.

kung hindi namatay sa cancer si bob marley, ganito sana ang tunog niya ngayon. kuhang-kuha ni tosh ang tunog ni marley, pati boses at bigkas ng mga salita. nag-cover nga siya ng mga kanta ni bob marley, tulad ng 400 years. ang naiba ay yung timpla. gumamit siya ng modernong timpla na mas makapal, mas defined. atsaka yung pag-execute ni tosh ng beat, pang-moderno. atsaka yung lead mas matinis. may pagka-funk na nga yung timpla niya, at yung mabibigat na bahagi ay nalalapit sa tunog ng sublime. dahil dito, mas pwedeng gamitin ang tunog ni tosh kung may party. kasi yung pure na reggae ni bob marley ay hindi naman magugustuhan ng mainstream audience pag hindi nila trip ang reggae. pero kay tosh, swak ito. yung original compositions ni tosh ay aakalain mo ring si bob marley ang nag-compose. yun nga lang, hindi rebolusyon ang nasa isip ni tosh. mas personal. tungkol sa pag-ibig, pangungulila, mga ganun.

(wala akong balak bilhin yung album, pero natripan namin ng pinsan ko kasi ang secret code namin para sa inuman ay "tosh," na siyang lalabas pag binaligtad ang "shot." ayun, tosh!)

maraming-maraming mp3. binigyan ako ni jords ng 20+ cdr na puro mp3 ang laman. mga ilan kayang kanta yun? hindi ko pa nabubuksan lahat. siguro aabutin ako ng maraming buwan para marinig lahat yun. yung iba meron na ako, tulad ng tatlong album ni cynthia alexander (meron ako lahat nun. "no promises/knowing there is only now/tell me how to love and live and be"). yung ibang nabuksan ko na asteeeg. tulad ng system of a down, need for speed soundtrack, fiona apple, at kung anu-ano pa.

(saka na ulit ang tungkol sa mga pelikula).
jong lardizabal 5:49 PM | 0 comments |

jueves, junio 12, 2008

my real resumé is in my cells.

-mula sa GATTACA (1997)
jong lardizabal 12:25 PM | 0 comments |
jong lardizabal 11:13 AM | 0 comments |